Maganda ang naging pagtatanong at pagsagot sa pagitan ni cong Marcoleta at Cmdr Tarriela sa hearing sa congress.
Maganda ang palusot ng bawat isa. Ang sabi ni Tarriela ay nag-quote lang siya ng sinabi ni BBM at hindi eto directed kay cong Marcoleta. Alam naman natin ang totoo pero may point naman sya.
Sa panig naman ni Marcoleta, expression lamang ang sinabi nya kay Tarriela at hindi ito directed sa commodore.
May palusot ang isa't isa pero ang pinaka-mahalaga ay na-explain ni cong Marcoleta ang perspective ng kanyang statement. Ang WPS ay hindi south china sea kundi EEZ ng Pilipinas. Kadalasan ang mga Pinoy ang na-i-equate ang WPS sa south china sea na hindi naman dapat.
Dapat talagang maging maingat din tayo sa paggamit ng mga politically charge na term na pwedeng mag-palala pa ng sitwasyon sa pagitan ng China at Pilipinas. Ang EEZ ay atin at dapat natin na ipaglaban.
Comments
Post a Comment