Ngayon takbo ka kay Tulfo! Mukha kasi kayong pera! It is too good to be true!
Marami pa rin nag-papaloko sa mga scammers dahil sa promise na malaking interest sa kanilang investment. Milyon-milyon ang nakukuha sa mga pa-victim dahil sa kagustuhan nila na kumita ng 'sobrang' laki. Sabi nga nasilaw sa kinang ng 'pangako'. Or baka nga mukha lang silang pera? Gustong yumaman sa mabilis na paraan.
Kahit laging nagpapa-alala ang pulisya sa investment scam ay maraming pa rin nagpapa-biktima. Halimbawa si Xexel Sebastion na halos nakapang-scam ng 50 bilyon ayon sa mga nalathala sa mga pahayagan. Ang kaso ni Lucky Manzano na hinabol ng mga investors dahil sa bumagsak na negosyo ng gasoline station. Ang kaso ni Neri Miranda na nakulong pa dahil sa kaso na isinampa ng mga investors. Si Rufa Mae na dahil matalino ay hindi nakulong. Sa mata ng batas sila ay mga inosente pa lang dahil hindi pa nahahatulan. Si Lucky Manzano naman ay napatunayang not guilty ng korte.
Ilan pa kaya magpapa-biktima sa mga scam na nag-papangako ng malaking kita? Sure ako marami pa. Ang iba ay dahil mukhang pera at ang iba naman a dahil sa katangahan. Masakit pero yan ang katotohan na character ng ilang Pinoy.
Comments
Post a Comment