Inamin ni SP Escudero na sumulat sa kanya si ML Pimentel para hikayatin ang senado na simulan na ang impeachment ni VP Sara. May mga explanation siya na galing sa batas na syang magpapatibay sa kanyang posisyon. Isa na ang definition ng forthwith na iba sa definition ni Escudero. Ayon kay Pimentel ang meaning nito ay mai-ko-compare sa immediate o agad-agad.
Hindi ko lang makuha na ang gumagamit sa batas ay siya ring unang hindi sumusunod dito. Si Pimentel ay nakalabag sa batas noong kasagsagan ng covid pero hindi sya nakasuhan katulad ni poblacion girl (dahil ba senador sya?).
Minsan mahirap maniwala sa taong gumagamit ng batas pero harap-harapan kung lumabag dito. Ang dapat mai-talaga sa senado ay taong sumusunod sa law hindi lawyer na lumalabag sa law.
Comments
Post a Comment