Dahil sa sobrang mahal ng kuryente sa Meralco ay naisipan ko na mag-install ng 24v solar system. Ang setup ko ay para sa 500w aircon, laptop na may 27 inches na external monitor, 2 electric fan at rice cooker.
Sa 1 month ang aking natitipid ay around 700 pesos. Ang ROI sa tingin ko ay pagkatapos ng 10 years :-).
Setup:
- 1.2kw solar panel - 6pcs 200w Jinko Tiger Neo
- Zamdon 3kw inverter
- Gentain LifePo4 - 4 12v 100ah (previously Zamdon Gel Battery)
- SNRE Solar Charge Controller - 2 20A
Eto ang 3pcs 200w na solar panels na naka-install sa likod ng bahay namin.
3kw 24v inverter. Mataas ang idle wattage ng ganitong inverter - around 80w. I hope mapalitan ko sya ng inverter na may mababang idle power.
4pcs na Gentai lifepo4 batteries - 24v 200ah. These are quality battery.
POWMR battery balancer. Takes ages to balance the batteries :-). Pero nakakatulong na rin sa balancing.
Simple application I developed para i-monitor ang aking solar system online.
Dating mabibigat na Zamdon Gel batteries. Binili ko ng 7k+ ang isa pero nabenta ko ng 2k ang isa. Luging-lugi.
Comments
Post a Comment