"Sana ibalik ang death penalty".
Yan ang kadalasan na comment tuwing may mga karumal-dumal na krimen. Akala mo sagot ang death penalty para mawala ang heinous crime sa Pilipinas.
I hope na silakbo lang ng damdamin ang pagsasabi nila na ibalik ang death penalty at hindi dulot ng katangahan. Alam naman natin na baboy ang justice system sa Pinas at kadalasan ay mga mahihirap ang nagsa-suffer sa maling pagpapatupad ng batas. Kaya nga kadalasan ay makakarinig o makakabasa tayo ng - "kung mahirap, kulong na yan". Baka sa huli makarinig na rin tayo ng - "kung mahirap, nabitay na yan".
Ang death penalty ay hindi effective deterrence sa krimen. May mga states sa US na may death penalty pero patuloy pa rin ang mga karumal-dumal na krimen. Ang death penalty ay isa lamang tool ng government para legal na pumatay ng tao - pero kailangan pa ba ito kung kabi-kabila naman ang patayan at extra-judicial killings sa Pinas? Baka naman pwede na sabihin "nanlaban" - less pa and pakakainin ng government? O kaya unahin na i-death penalty ang mga magnanakaw sa government - sure ako maraming may gusto nyan.
Comments
Post a Comment